^

Metro

5 miyembro ng 'Tabas gang', timbog

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Manila-City Hall Public As­sistance (CHAPA) ang limang miyembro ng tinaguriang ‘Tabas gang’ na ang modus operandi ay manakot, ma­ngotong at tumangay ng mahahalagang kagamitan ng mga estudyante sa CM Recto Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.

Ipinagharap na ng mga kasong Robbery With Inti­midation at Obstruction sa Manila City Pro­secutor ang mga arestadong suspect na kinilalang sina Raymond Sumagi, Helbert Angeles, Roel Gomez, Jeffrey Bercasio at Edward Ramirez, pawang kuliglig driver.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, dakong alas-3:00 ng hapon nang arestuhin sa harapan ng Isetann Mall, sa CM Recto ang mga suspect dahil umano sa matinding pangingikil ng mga nasabing kuliglig drivers na may rutang Divisoria at Isetann mall sa mga pasahero na umaabot sa P400 hanggang P500 sa halip na dating P50 lamang.

Kinukuyog ng limang suspect ang mga pasahero kaya hindi makatanggi sa laki ng singil at kung walang pambayad ay sapilitang kinukuha umano ang mahalagang gamit ng mga ito tulad ng cellphones. Madalas umanong biktimahin ng mga ito ay mga estudyante na madali nilang natatakot.

Kinumpiska rin ng CHAPA ang tatlong kuliglig na gamit ng grupo.

EDWARD RAMIREZ

HELBERT ANGELES

ISETANN MALL

JEFFREY BERCASIO

JUPITER TAJONERA

MANILA CITY PRO

MANILA-CITY HALL PUBLIC AS

RAYMOND SUMAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with