^

Metro

Kapos ang kinikita, trader nagbigti

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Problema sa kakapusan ng kinita ang nagtulak sa isang negosyante upang kitlin ang sarili sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, kahapon.

Si Tony del Mundo, 49, ay natagpuan na lang na nakabitin ng kanyang asawa sa window grills ng kanilang kuwarto na mata­tagpuan sa Pipit St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Nagawa pa siyang itakbo sa FEU Hospital pero idineklara ring dead-on-arrival ganap na alas-8:54 ng umaga.

Ayon sa pulisya, water refilling station ang negosyo ng biktima at ng misis nitong si Susan, 51.

Tatlumpung minuto bago madiskubre ang nakabiting si del Mundo ay nakausap pa ito ng kanyang misis saka lumabas ang huli para buksan na ang kanilang negosyo.

Sinabi ni Susan sa mga imbestigador, nitong nakalipas na araw ay nagkaroon ng problema ang biktima dahil sa maliit na benta ng kanilang negosyo.

Nabatid na kukunin na sana ng kasambahay ang labada sa kuwarto ng mag-asawa ng mabatid na nakakandado ito na sinabi naman sa misis. Sa pagbukas ng kuwarto ay doon tumambad ang nakabigting biktima. Wala namang iniwang suicide note ang nagpakamatay na mister.

vuukle comment

AYON

BRGY

MUNDO

NABATID

NAGAWA

PIPIT ST.

PROBLEMA

QUEZON

SI TONY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with