^

Metro

Mag-asawa patay sa sunog

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi naghiwalay ma­ging sa kamatayan ang mag-asawang lolo at lola makaraang maipit at ka­samang matupok sa loob ng kanilang bahay na nilamon ng apoy, kamaka­lawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ni Supt. Marcos Monday T. Valen, Marikina City Fire Marshal ang mag-asawang namatay na sina Feliciano Belen Jr., 77, at Melina Belen, 74, kapwa nakatira sa 20 Stardust St., Concepcion-2 ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gremar dela Torre, dakong alas-10:05 ng gabi nang magsimulang lumiyab ang apoy mula sa master’s bedroom at mabilis na kumalat sa buong kabahayan.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago ito idineklarang fire out dakong alas-11:03 ng gabi. Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng mga ari-arian natupok ng apoy.

Base naman sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), namatay ang mag-asawang matanda sa suffocation na hinihinalang dahil sa edad ay kapwa hindi na nagawang makalabas ng bahay.

Patuloy naman ang im­­bestigasyon ng mga pa­matay-sunog upang mabatid­ kung ano ang pinagmulan ng naturang apoy.

CONCEPCION

FELICIANO BELEN JR.

GREMAR

MARCOS MONDAY T

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY FIRE MARSHAL

MELINA BELEN

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

STARDUST ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with