^

Metro

4 na pulis inireklamo ng kidnap at hulidap

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kasong kidnapping, robbery at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang iniharap ng isang 62-anyos na negosyante laban sa apat na pulis kaugnay sa insidente ng pagtangay sa kanya sa Pasig City noong nakalipas na Sabado at ikulong sa presinto sa Sta. Mesa, Maynila saka siya hiningan ng malaking halaga.

Ayon sa biktimang si Niel Nayunay, residente ng Pasig City, tinangay siya ng mga suspect na sina PO2 Lui­sito Guttierez, PO1 Anthony Fer­nandez, PO1 Paulo Levin Nerviza at PO1 Wilfredo Cinco­, na napag-alamang mga nakatalaga sa MPD-Station 8 at sa NCRPO.

Naganap ang insidente noong Sabado, alas-4:00 ng hapon, habang papauwi na umano ang biktima sa kanyang bahay kasama ang kanyang kasintahan, sakay ng motorsiklo nang harangin ng mga pulis.

Kinuha umano ng mga pulis ang susi ng kanyang motor at ng kanyang bahay at nang mabuksan ang bahay­ ay nilimas pa umano ng mga suspect ang mamahaling gamit ng biktima, pati mga panindang longganisa, na kanyang negosyo.

Nakalaya lamang siya mula sa pagkakakulong sa MPD-Station 8 nang magbigay ng halagang P75,000 ang kan­yang kaanak, kinabukasan (Linggo).

ANTHONY FER

AYON

CINCO

GUTTIEREZ

KASONG

NIEL NAYUNAY

PASIG

PAULO LEVIN NERVIZA

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with