^

Metro

Bala sa ulo, iniregalo

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Butas ang bungo ng isang electrician na magdiriwang sana ng kanyang kaarawan makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki bilang regalo sa kanya kahapon sa lungsod Quezon.

Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Jayden Lorenzo, na magdiriwang sana ng kanyang ika-36 na kaarawan kahapon, residente ng Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Mabilis namang tumakas ang gunman kasama ang isa pang armadong lalaki matapos ang krimen.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng St. Vincent St. sa nasabing barangay, ganap na alas-10:45 ng umaga

Ayon kay Mang Jaime, ama ng biktima, kaarawan umano ng kanyang anak kahapon at lumabas lamang ito sandali para magpahangin matapos magluto ng kanyang ihahanda, pero biglang su­mulpot ang suspect at pagbaba­rilin ito.

Matapos ang pamamaril ay agad na sumibat papalayo ang mga suspect.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente para matukoy ang salarin. (Ricky T. Tulipat with trainee Rica Carla Arzola)

vuukle comment

AYON

BRGY

BUTAS

DALAWANG

HOLY SPIRIT

JAYDEN LORENZO

MANG JAIME

RICA CARLA ARZOLA

RICKY T

ST. VINCENT ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with