^

Metro

Sekyu na sinumbong sa bisor na natutulog, namaril

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ngayon ang isang 29- anyos na lalaki nang barilin ng guwardiya na kanyang sinumbong sa supervisor nito na natutulog kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ginagamot sa Tondo Medical Center si Jasson Patigayon, ng Kalakal St., Balut, Tondo dahil sa tama ng bala sa katawan habang nakilala lamang ang tumakas na suspect na si Baby Boy Cabarubas.

Sa report ng pulisya, alas-7:20 ng gabi naganap ang insidente sa Kalakal St., Balut, nang sitahin ng biktima ang suspect dahil sa pagtulog nito sa kanyang duty at pagka­tapos ay isinumbong pa ng una ang guwardiya sa kanyang superior na naging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Dahil dito, ipinasya ng biktima na umalis subalit lingid sa kaalaman nito ay sinundan siya ng suspect at pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang suspect na ngayon ay pinag­hahanap na ng pulisya.  

BABY BOY CABARUBAS

DAHIL

GINAGAMOT

JASSON PATIGAYON

KALAKAL ST.

MABILIS

MAYNILA

SUSPECT

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with