^

Metro

Police asset itinumba

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Butas ang bungo ng isa umanong police asset makaraang pagbabarilin ng isa sa apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Jomarie Abollador, 49, binata, ng Block 6, Lot 5, Kilyawan St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa harap ng bahay ng biktima ganap na alas-10 ng gabi. Sinasabing nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang bahay at nagte-text nang dumating ang suspect at paulanan ito ng bala sa ulo at katawan. Ma­tapos ang pamamaril ay agad na nagl­alakad papalayo ang suspect patungo sa mga ka­samahang naghihintay sakay ng dalawang motorsiklo at sumibat papalayo.

Ayon sa kapatid ng na­sawi, dati umanong police asset sa Laguna ang biktima, pero hindi niya batid kung aktibo pa ito, bagay na tinitingnang motibo ng kapulisan, bukod pa sa away pamilya.  

AYON

BIKTIMA

BRGY

BUTAS

JOMARIE ABOLLADOR

KILYAWAN ST.

NANGYARI

QUEZON

SHY

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with