Mister kinaret ng kapitbahay, patay

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 52- anyos na lalaki ng nakaalitan niyang kapitbahay gamit ang dalawang pantabas ng damo o karet sa  Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon. Dakong alas -4:30 ng hapon nang ideklarang patay ng  Mary Chiles Hospital ang biktimang si Ricardo Domingo, ng   D. San Anton St., Sampaloc,   Maynila, sanhi ng taga sa katawan. Sa pag­hingi ng saklolo ng anak ng biktimang  si Juan Paolo, naaresto ng barangay tanod ang suspect na kinilalang  si Ernesto Remias, 46. 

Dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima. Sinabi ni Juan Paolo na nakita niya ang pagsugod ng suspect sa kaniyang ama na may hawak na dalawang karet, kaya sinaklolohan niya bagamat may tama na ang ama, kaya humingi ng saklolo sa mga kapitbahay at hinila ang ama papalayo sa pinangyarihan. May matagal na umanong  alitan  ang biktima at  ang suspect.  

Show comments