^

Metro

Driver sugatan sa carjack

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang driver nang barilin ng tatlong hindi kilalang carjackers matapos agawin ang minamaneho nitong sasakyan kamakalawa sa Caloocan City.

Ginagamot sa Pres. Diosdado Macapagal Hospital sanhi ng tama bala sa kanang balakang ang biktimang si Lowie Pintuan, 38, ng Loro St., Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon nang ma­tagpuan ng mga barangay tanod sa Block 4, Brgy. 14, ng nasabing lungsod ang duguang katawan ng biktima kung saan ito itinapon bago tinangay ang dalang sasakyan nito na X-Trail (Wagon)(NHO-304).

Ayon sa biktima bago maganap ang insidente ay inihatid niya sa St. Luke’s Medical Center ang kanyang amo na si AFP Ret. General Honesto Isleta bandang ala- 1:00 ng hapon at naisipan niya munang kumain. Pagbaba niya sa nasabing sasakyan sa 13th St., New Manila, Quezon City ay nilapitan siya ng tatlong kalalakihan at pinalo ng baril sa batok sabay hagis sa kanya sa loob ng sasakyan.

Nabatid, na isa sa mga suspek ang nagmaneho ng sasakyan at isa rin dito ang bumaril sa kanya hanggang sa magkunwari ang biktima na patay na.Matapos ang ilang oras ay naramdaman na lamang ng biktima na huminto ang sasakyan at pinagtulungan siyang ihagis ng mga suspek at iniwan sa bakanteng lote ng Block 4, Brgy. 14, Caloocan City at tinangay ang naturang sasakyan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.  

vuukle comment

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

DIOSDADO MACAPAGAL HOSPITAL

GENERAL HONESTO ISLETA

LORO ST.

LOWIE PINTUAN

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with