^

Metro

Vendor umawat sa gulo, pinagbalingan ng saksak, utas

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Isang fish vendor ang nasawi makaraang pag­balingan ng saksak ng isa sa apat na kalalakihan matapos na tangkain ng una na awatin ang mga huli sa pananakit sa kanyang amo sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Meliton Ranada, 29, ng Kaligtasan St., Brgy. Holy Spirit ng nabanggit na lungsod.

Agad namang nagsitakas ang mga suspect na armado ng patalim matapos ang krimen.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Kaligtasan Extension, Brgy. Holy Spirit ganap na alas- 7:30 ng gabi.

Bago ito, ang testigong si Roey Villafuerte ay nakikipagtalo sa isa sa mga suspect dahil sa pag-ihi ng huli sa pader ng kanyang bahay.

Sa kainitan ng pagtatalo, sinuntok ni Villafuerte ang suspect na agad namang nakahingi ng saklolo sa mga kasamahan.

Dito na pinagtulungan ng mga suspect si Villafuerte hanggang sa makita ito ng biktima.

Dahil amo, agad na lumabas ng kanyang bahay ang biktima at tinangkang awatin ang mga suspect, pero siya naman ang pinagbalingan ng saksak ng isa sa mga huli sa sikmura saka mabilis na nagsipagtakas.

Nagawa pang maitakbo sa Malvar General hospital ang biktima pero idineklara din itong dead-on-arrival.

AYON

BRGY

HOLY SPIRIT

KALIGTASAN EXTENSION

KALIGTASAN ST.

MALVAR GENERAL

MELITON RANADA

ROEY VILLAFUERTE

VILLAFUERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with