2 choir member kritikal sa pamamalo ng liyabe
MANILA, Philippines - Nasa malubhang kondisyon ang dalawang miyembro ng choir makaraang pagpapaluin ng liyabe katala ng isang lalaki habang papauwi, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ginagamot sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina Ivan John, 16, ng Sitio Matarik at Rowel Rombo, 17, ng Tandang Sora kapwa ng Camarin ng nabanggit na lungsod.
Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect na si Vergel Roquin, 33, ng Doña Pulutong, Camarin.
Base sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa simbahan sa kanilang lugar.
Galing sa pagpapraktis sa simbahan ng kanilang kanta sa choir ang dalawang biktima nang mapadaan sa tapat ng bahay ng suspect.
Dito walang sabi-sabing sinalakay ng suspect ang dalawang tinedyer at pinaghahampas ng liyabe ng bakal sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nahaharap ngayon sa two counts ng frustrated murder ang suspect habang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen.
- Latest
- Trending