Malawakang clean-up sa Manila Bay inilunsad
MANILA, Philippines - Nakiusap kahapon si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga naninirahan sa gilid ng coastal na tigilan ang pagtatapon ng basura at isipin ang masamang idinudulot nito sa kalikasan.
Ang pahayag ay kasabay ng idinaos na Makabagong Bayanihan Para sa Kalikasan na pinangunahan ng Manila Broadcasting Company-DZRH at 14 pang public at private entities na kinabibilangan ng Manila City government.
Kabilang din sa naglinis sa Manila Bay, Roxas Blvd. ay ang Manila Ocean Park (MOP) na kinatawan ng vice president na si Armi Cortes, ang Metro Manila Development Authority, UP Manila, Polytechnic University of the Philippines, the National Statistics Office at ng Landbank of the Philippines.
Ikinatuwa naman ni Mayor Lim ang pagsusumikap ng ilang grupo sa pagtulong na malinis ang Manila Bay at maipamalas sa publiko ang kahalagahan ng kanilang ginagawa para sa kalikasan.
“Ang nangyayari kasi, pag-high tide, dadalhin ’yung basura sa Manila Bay tapos pag nag-low tide, maiiwan na. Sana ’yung mga taga-coastal ay mapagsabihan at madisiplina na huwag namang magtapon ng basura sa tubig. Endless problem na ito eh,” dagdag pa ni Mayor Lim.
- Latest
- Trending