^

Metro

Demolisyon sa Payatas nakaamba

- Angie­ dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakaumang ang ma­lawakang demolisyon sa kabahayan sa Payatas area kaya nababahala ang mga residente na ilipat­ sa relokasyong inilaan sa kanila sa bayan ng Rodriguez­, Rizal.

 Ayon sa mga residente sa gilid ng dumpsite sa Leyte at Zamboanga Sts. sa Payatas B, noong Biyer­nes pa sila inabisuhan  ni Ret. Col. Jamil Jaymalin, hepe ng dumpsite management kung saan inaalok sila ng relokasyon sa Eco Ville sa Brgy. San Isidro dahil sa nakaambang demolis­yon anumang araw batay sa kautusan ng lokal na pamahalaan.

Ang kinatitirikan ng mga bahay ay sinasabing pag-aari ng GSIS at may proyektong nakalaan ang gobyerno.

Kasalukuyang nagpu­pulong ang mga residente sa lugar sa kanilang ga­gawing mga hakbang upang hindi muna matuloy ang planong demolisyon.

Sinasabing mara­ming mga bahay ang ma­aapektuhan sa kanilang pamumuhay sakaling agarang ipatupad ang demolisyon, kabilang ang pag-aaral ng kanilang mga anak gayun­din ang kanilang pinagkukunan ng ikabubuhay sa araw-araw.

Ang hakbang ay bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan na mailagay sa mas ligtas na lugar ang mga residente na naka­tira sa mga critical areas.

AYON

BIYER

BRGY

ECO VILLE

JAMIL JAYMALIN

PAYATAS B

SAN ISIDRO

SHY

ZAMBOANGA STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with