^

Metro

3 bulagta sa pamamaril sa Pasay

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang isang kawani ng Pasay City Hall ang iniulat na nasawi matapos mamaril ang grupo ng kalalakihang lango sa alak  sa bahagi ng F. Victor St. sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Pasay City Gene­ral Hospital sina  Jeremy Resurreccion, 26,  ng #10 F. Victor St., Pasay City at alyas Paul Bakla ng Macopa St. sa nasa­bing lungsod habang nasawi rin sa Manila Adventist Medical Center si Jomel Flores, 32, may asawa, ng #2464 M. Dela Cruz St., Pasay City, miyembro ng MCT-Mayor Clean Team ng Pasay City Hall Office.

Ayon sa pulisya, si Flores na sina­sabing lango sa alak ay kasama ng ilang armadong kalalakihan na namaril kina Re­surrecion at Bakla.

Sa report ng natanggap ni P/Senior Supt. Melchor V. Reyes, hepe ng Pasay City PNP, bumibili ng sigarilyo sa tindahan si Jeremy nang dumating ang grupo ni Flores kabilang ang isang barangay official na hindi binanggit ang pangalan.

Dito na namaril si Flores at ang mga kasamahan hanggang sa tamaan ang da­lawa bago nagsitakas ang grupo ni Flores.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek kung saan nalaman na si Flores ay may tama rin ng bala ng baril kaya isinugod ito sa Manila Adventist Medical Center subalit hindi na umabot nang buhay.

Sa teorya ng pulisya, isa sa kasamahang senglot ni Flores ang nakabaril sa kanya na sinasabing paghihiganti sa grupo ni Jeremy ang isa sa motibo ng pamamaril.

Tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek kabilang na ang isang nagnga­ngalang Jayvee “Jabong” Avila.

CITY

DELA CRUZ ST.

FLORES

JEREMY RESURRECCION

JOMEL FLORES

MACOPA ST.

MANILA ADVENTIST MEDICAL CENTER

PASAY CITY

VICTOR ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with