^

Metro

Maid nalunod sa pool, dedo

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang kasambahay ang nasawi matapos na malunod habang lumalangoy sa swimming pool ng kanyang amo sa lungsod Quezon kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Mary Jane Dolores, 20, nanunuluyan sa #22 Amsterdam St., Vista Real Sub­division, Brgy. Old Balara.

 Sinasabing patay na ang biktima nang matagpuan sa swimming pool ng pamilya Ong sa nasabing lugar ganap na alas-7:30 ng umaga.

Ayon kay PO3 Loreto Tigno, may hawak ng kaso, bago ang pagkakadiskubre sa bangkay, nakita umano si Dolores na lumalangoy sa may limang talampakang lalim ng pool, ganap na alas-7 ng umaga. 

Sinabi ni Wilyn Pagbanua, 40, kasama ng biktima, nagsimulang maging kasambahay si Dolores sa pamilya Ong nito lamang Huwebes.

Bagama’t bago lamang naninilbihan bilang katulong, walang alinlangang lumusong ito sa swimming pool habang natutulog pa ang kanilang amo.

Dahil dito, nagpasya si Pagbanua na iwan si Dolores at gawin ang kanyang trabaho. Ilang minuto, pagka­balik ni Pagbanua ay napuna niyang nawawala na ito, hanggang sa makita itong palutang-lutang sa pool.

vuukle comment

AMSTERDAM ST.

AYON

BAGAMA

LORETO TIGNO

MARY JANE DOLORES

OLD BALARA

ONG

PAGBANUA

VISTA REAL SUB

WILYN PAGBANUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with