^

Metro

2 kelot utas sa pamamaril

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang mga lalaki na umano’y miyembro ng Akyat-bahay gang ang natagpuan ilang minuto makaraang makarinig ng mga malalakas na putok ng baril sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ang mga biktima na walang pagkakakilanlan ay isina­larawan na kapwa mga nasa edad na 20-25, naka­suot ng kulay dilaw na t-shirt at berdeng shorts, at may tattoo na Sputnik sa kanang dibdib; habang ang isa ay may taas na 5’3’’,  may tattoo na Emerson sa kanang braso at kanang pigi.

Isa sa mga biktima ay may tama ng bala ng baril sa ulo habang ang isa naman­ ay sa likurang bahagi ng katawan.

Ayon kay PO2 Ric Roldan Pittong, may-hawak ng kaso, ang mga biktima ay na­tagpuan na lamang walang buhay matapos umalingaw­ngaw ang mga putok ng baril sa may Venus St., Brgy. Tandang Sora, ganap na alas 2:30 ng madaling-araw.

Sinabi ng testigong si Virgilia Buta, agad niyang inusisa ang pinagmulan ng putok kung saan nakita ang duguang katawan ng mga biktima. May narinig din umanong isang motorsiklo na humaharurot papalayo sa nasabing lugar na siyang pinaghihinalaang bumaril sa mga ito.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre .45 baril at dalawang basyo ng kalibre 40 baril sa na­sabing lugar.

vuukle comment

AKYAT

AYON

BRGY

DALAWANG

ISA

RIC ROLDAN PITTONG

TANDANG SORA

VENUS ST.

VIRGILIA BUTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with