^

Metro

Chinese trader na lumikas dahil sa baha, inakyat-bahay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nalimas ang aabot sa P4.2 milyong halaga ng mga mamahaling alahas at mga gamit sa isang negos­yanteng Chinese matapos pasukin ang bahay nito ng mga hinihinalang miyembro ng ‘Akyat bahay gang’ makaraang lumikas ang una noong kasagsagan ng pananalasa ng habagat, ayon sa pulisya kahapon.

Ito ang nabatid makaraang dumulog sa himpilan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District nitong Martes ng hapon ang biktimang si Patricia Chua, 40, at magreklamo kaugnay sa nangyaring pagnanakaw sa kanyang bahay sa Parkway Village, Brgy. San An­tonio sa lungsod.

Ayon kay Chua, natuklasan nila ang pagnanakaw pagkabalik umano ng kanilang pamilya sa kanilang bahay kamakalawa ng hapon kung saan nawawala ang steel vault na pinaglalagyan ng kanilang alahas at mamahaling gamit.

Nabatid na ang pamilya Chua ay napilitang lumikas sa bahay ng kanilang kamag-anak matapos manalasa ang habagat nitong Agosto 7.

vuukle comment

AGOSTO

AKYAT

AYON

BRGY

CHUA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

PARKWAY VILLAGE

PATRICIA CHUA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN AN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with