Kahon napagkamalang 'bomba', lumikha ng matinding trapik
MANILA, Philippines - Matinding trapik ang idinulot ng isang kahon na iniwan sa gitna ng P. Tuazon Street sa Quezon City makaraang mapagkamalang isa itong bomba kahapon ng umaga.
Unang inihayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang opisyal na MMDA Twitter account kung saan pinayuhan ang mga motorista na dumaraan sa C5-Katipunan Road at P. Tuazon na dumaan sa ibang ruta dakong alas-12:22 ng hapon.
Rumesponde naman ang bomb squad ng Quezon City Police District (QCPD) na kinordon ang bahagi ng kalsada at dinifuse ang napagkamalang bomba na sa huli’y isa lamang ordinaryong karton.
Sinabi ni MMDA traffic discipline office head, Yves Gonzalez na iniwan ang karton sa loob ng isang inabandonang behikulo.
Sa kabila na nagdulot ng matinding trapiko, iginiit nito na kailangang unahin pa rin ang kaligtasan ng publiko sa inaakalang bomba kaya kinailangan ng tulong ng pulisya na may kasanayan sa naturang mga pagkakataon.
- Latest
- Trending