^

Metro

Kelot binoga sa leeg, todas

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang barilin sa leeg ng isang gunman sa loob mismo ng kanyang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Salvador Tamondong, 29, residente ng Purok 14 Brgy Commonwealth sa lungsod.

Nangyari ang insidente ganap na alas-7:10 ng gabi.

Base sa paglalahad ng nakakabatang kapatid ng biktima na si Gisselle, nasa loob umano siya ng kanyang kuwarto nang marinig niya ang sigaw ng kanyang kuya kasunod ang isang malakas na putok ng baril.

Mabilis na lumabas ng kanyang kuwarto si Gisselle, kung saan tumambad sa kanya ang kapatid na naliligo na sa sarili nitong dugo habang hawak ang kanyang leeg.

Nakita rin umano ni Gisselle­ ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket, habang nagmamadaling lumalabas ng kanilang bahay.

Gayunman, hindi umano namukhaan ni Gisselle ang suspect dahil nakatalikod anya ito nang tumatakas papalayo sa kanilang lugar.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

BRGY COMMONWEALTH

GAYUNMAN

GISSELLE

KINILALA

MABILIS

NAKITA

NANGYARI

PATAY

PATULOY

SALVADOR TAMONDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with