^

Metro

2 miyembro ng 'Donut gang', utas sa shootout

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kapwa bumulagta ang dalawang miyembro ng “Donut Gang” o tirador ng gulong nang makipagbarilan sa mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District, makaraang humingi ng saklolo ang nabiktimang driver at pahinante ng isang ten-wheeler truck sa panulukan ng Road 10 at Zaragosa Sts., Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Michael Pagulayan at Henry Bacala, kapwa ng Baseco Compound, Tondo, Maynila. Ito’y batay sa beripikasyon na isinagawa sa files ng mga larawan at pangalan ng may criminal records sa kanilang presinto, kung saan natukoy na may mga reklamo laban sa dalawa hinggil sa pagnanakaw ng mga gulong ng nakaparadang sasakyan sa area ng Tondo.

Una rito, humingi ng saklolo sa nagpapatrulyang mga pulis ang biktimang sina Victor Delfin, 36, driver ng ten-wheeler truck at helper na si Jerry Zaldivia, 34.

Panandaliang ipinarada umano ng mga biktima ang dalang truck sa Road 10 dakong alas-11:00 ng gabi ng Lunes, nang biglang lapitan sila ng dalawang suspect at agad tutukan ng baril si Delfin saka pinukpok ng baril. Tinangay pa umano ang cellphone at wallet ng dalawa at saka tinangay ang ekstrang gulong ng truck.

Nang may makapansin sa komosyon ay itinimbre ito sa grupo ng Anti-Crime Unit ng MPD-Station 2.

Nang puntahan ay itinuro pa ng mga biktima ang tuma­takas na mga suspect kaya sinigawan at inutusang huminto. Sa halip na tumigil ay pinaputukan umano ang grupo ng mga pulis hanggang sa nagkagantihan na ng putok at bumulagta ang dalawang suspect.

vuukle comment

ANTI-CRIME UNIT

BASECO COMPOUND

DONUT GANG

HENRY BACALA

JERRY ZALDIVIA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MICHAEL PAGULAYAN

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with