^

Metro

Pekeng tauhan ng PDEA, kumakalat

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko laban sa pagsulpot ng grupo ng mga pekeng PDEA officials na kumakalat sa iba’t ibang lugar na nagre-recruit para maging anti-drug agents ng ahensya kapalit ang pera.

Aksyon ito ng PDEA, matapos maaresto ang isang Jocelyn Mendoza-Domingo, 49, ng Pines City Royale­, Brgy. San Roque, Antipolo Rizal.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., si Domingo ay nagpapakilala bilang isang “Lieutenant Co­ lonel Josephine Mendoza” mula sa PDEA at nagre-recruit umano para maging “Roving PDEA Agents”, kapalit ang hinihingi nilang halaga ng salapi.

Si Domingo ay naaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga tropa ng Sta Maria Police, Bulacan sa Brgy. Parada matapos matanggap ang reklamo ng isang Salvador Dela Cruz, 39, Traffic Enforcer sa Sta. Maria, Bulacan na niloko umano ng una sa pamamagitan ng paghingi ng P1,560 bilang PDEA recruitment at processing fees.

ANTIPOLO RIZAL

BRGY

BULACAN

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOCELYN MENDOZA-DOMINGO

JOSEPHINE MENDOZA

LIEUTENANT CO

PDEA

PINES CITY ROYALE

SALVADOR DELA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with