^

Metro

Milyong halaga ng gatas, hinaydyak

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Isang 10-wheeler truck na naglalaman ng milyong halaga ng produktong gatas ang umano’y hinaydyak ng tatlong kalalakihang pulis sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Cri­minal Investigation and De­tection Unit ng Quezon City Police, nata­ngay ang nasabing pro­ dukto na may tatak na Alaska milk ma­tapos na tutukan ng baril at igapos ng mga suspect ang driver at pahinante ng truck na sina Arnel Calo, 28; Dennis Galasig, 27; at Loriebert Aldobino, 28; pawang mga taga San Pedro Laguna.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Eric Lazo, nangyari ang hijacking sa may kahabaan ng Min­danao Avenue sa harap ng isang gas station sa Project 6, ganap na ala-1 ng mada­ling araw.

Ayon sa driver na si Calo, ang produkto ay in­­i­­labas nila mula sa San Pedro Laguna ganap na alas-11:30 ng gabi at nakatakda sana nilang ihatid sa Pampanga sakay ng Isuzu 10-wheeler truck nang makarinig siya ng busina habang binabagtas ang nasabing lugar mula sa isang motorsiklo sakay ang isang lalaki na naka-jacket at pormang pulis.

Pinara umano sila ng naka-motorsiklo saka pinatabi sa gilid ng na­ sa­bing lugar, bago bumaba ang una at pinabubuksan ang pinto ni Calo dahil sisiyasatin daw nito ang mga pahinante niya.

Pagkabukas ng pinto ni Calo ay biglang sumulpot ang dalawa pa sa ka­samahan ng sus­pect saka tinutukan sila ng baril. Ka­sunod nito, igi­­napos sila ng mga suspect saka piniringan ang mga mata, bago sila itinago sa likuran ng upu­an ng magkaka­patong habang nakadapa.

Matapos ito ay pina­an­dar ng mga suspect ang truck ilang sandali pa ay naramdaman nila na huminto ang truck kung saan nagtagal sila doon ng may tatlong oras.

Makalipas ito ay mu­ling umarangkada ang sa­sakyan at pagsapit sa Sampaloc Maynila ay saka iniwan ng mga suspect ang truck at mga biktima, pero wala na ang nasabing mga produkto.

Agad na humingi ng tulong ang mga biktima sa mga residente na nagdala sa kanila sa himpilan ng barangay, hanggang sa pulisya.

Ayon kay Lazo, posibleng sa pagkakahinto ng tatlong oras ng truck sa isang lugar ay idini­diskarga na ng mga suspect ang laman nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng CIDU sa nasabing insidente.

ARNEL CALO

AYON

CALO

DENNIS GALASIG

ERIC LAZO

INVESTIGATION AND DE

LORIEBERT ALDOBINO

SAN PEDRO LAGUNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with