^

Metro

Binata utas sa tandem

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Patay agad ang isang binata makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspect habang ang una ay naglalakad sa isang kalye sa lungsod Quezon kamakalawa. Sa ulat ng Cri­minal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, nakilala ang nasawi na si Mark Liwag, 26, ng San Jose St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Agad namang tumakas ang mga suspect sakay ng isang XRM motorcycle matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng San Pas­cual­ St., Brgy. Commonwealth ganap na alas-6:30 ng gabi.

Naglalakad umano ang biktima sa lugar nang biglang su­mulpot ang suspect at pagbabarilin ng malapitan sa katawan ang una. Agad na nasawi sa lugar ang biktima, habang ang suspect ay mabilis na sumakay sa motorsiklo ng naghihintay na kasama at humarurot papatakas sa lugar.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO), narekober sa lugar ang walong piraso at dalawang slug ng kalibre 45 baril na siyang pinanglikida sa biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng CIDU sa nasabing insi­dente.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRI

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MARK LIWAG

NAGLALAKAD

QUEZON CITY POLICE

SAN JOSE ST.

SAN PAS

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with