^

Metro

Binatilyo pumalag sa carjack, tinodas

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Patay ang isang 16-anyos na binatilyo nang barilin sa tiyan ng riding-in-tandem na carjackers nang tumangging ibigay nito ang minamanehong motorsiklo sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Phi­lippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Lorenzo T. Madurog, residente ng Santo Tomas St., Sampaloc.

Hindi pa tukoy ang pagka­kakilanlan sa dalawang lalaki na bumaril kay Madurog at tu­ma­ngay ng Yamaha (Mia Amore) motorcycle (559 TS) nito.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor A. Vallejo ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Maceda at Matimyas Sts., sa Sampaloc,

Nabatid na hiniram ng biktima sa kaniyang ama ang motorsiklo at umalis itong may kaangkas na dalawang kaibi­gang babae.

Pagsapit sa nasabing lugar ay hinarang sila ng dalawang suspect at pilit na pinabababa sa motorsiklo subalit ayaw umanong ibigay ng biktima ang motorsiklo kaya binaril siya ng isa sa suspect hanggang sa mahulog at tangayin na ang motorsiklo.

Isinugod ng kaniyang ka­samang mga babae ang biktima sa Ospital ng Sampaloc bago inilipat sa PGH kung saan ito tuluyang binawian ng buhay.

vuukle comment

GENERAL HOSPITAL

GLENZOR A

HOMICIDE SECTION

LORENZO T

MADUROG

MANILA POLICE DIS

MATIMYAS STS

MIA AMORE

SANTO TOMAS ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with