^

Metro

Bangkay ng kelot isinako

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pinaniniwalaang may da­lawang araw nang patay bago itinapon ang bangkay ng kelot na nakasilid sa sako, sa tapat ng kilalang su­permarket, sa Tondo, May­nila, kahapon ng umaga.

Kinilala ng kaniyang mga magulang ang bik­­timang si Erbin Liwanag Y Jalinao, alyas “Bulol”, 20, walang trabaho at re­sidente ng no. 2057 Da­gupan Ext. Tondo, na nakalagak na sa Cruz Funeral Morgue.

Sa ulat ni PO3 Charles John Duran, ng  Manila Police District-Homicide Sec­tion, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang matag­puan ang bangkay  sa harapan ng Puregold Supermarket,  sa panulukan ng Tayuman at Juan Luna Sts., sa Tondo.

Isang tawag ang natanggap ng MPD-Station 7,  hinggil sa umano’y na­tagpuang bangkay ng lalaki na nakasilid sa isang sako sa nasabing lugar.

Nakitaan ng sugat sa leeg ang biktima, na bakas ng pagkabigti at may mga bahid ng dugo na umagos mula sa ilong.

vuukle comment

BULOL

CHARLES JOHN DURAN

CRUZ FUNERAL MORGUE

ERBIN LIWANAG Y JALINAO

ISANG

JUAN LUNA STS

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SEC

NAKITAAN

PUREGOLD SUPERMARKET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with