^

Metro

Binatilyo binaril sa mukha, patay

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Agad na nasawi ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang barilin sa mukha ng malapitan ng hindi pa nakikilalang salarin, kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Naisugod pa sa Tondo General Hospital ang biktimang si Ryan Yap, residente ng North Bay Blvd., sa naturang lungsod ngunit hindi na rin umabot ng buhay dahil sa tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa mukha.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang pamamaslang dakong alas-2 ng madaling araw sa kanto ng Lapu-Lapu Avenue at Road 10 sa North Bay Boulevard North. Nabatid na nakais­tambay ang biktima at may hinihintay nang dumating umano ang hindi nakilalang suspect.

Tinawag pa umano ng salarin si Yap at sanda­ling nag-usap bago ito pina­putukan ng baril sa mukha.  Agad na tumakas ang salarin makaraan ang pamamaril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at kung sino talaga ang hinihintay ng biktima sa naturang lugar.

vuukle comment

LAPU-LAPU AVENUE

NABATID

NAISUGOD

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BLVD

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

PATULOY

RYAN YAP

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with