^

Metro

3 holdaper ng Tambunting Pawnshop, kilala na

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Kilala na ng Pasay City Police ang tatlo sa apat na holdaper na matagumpay na nanloob sa Tambunting Pawnshop sa loob ng Metropoint Mall nitong nakaraang Huwebes.

Ito’y makaraang lumutang na sa Pasay Police ang driver ng taxi na sinakyan sa pagtakas ng dalawa sa mga salarin.

Positibong itinuro nito sa photo rouge gallery ang isa sa mga suspect na nakilalang si Tho Mangulamas, residente ng Taguig City.

Ayon kay Pasay Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes, sa kanilang rekord na­tuklasan na dati nang sangkot sa panloloob ng mga sanglaan at iba pang establisim­yento si Mangu­lamas. 

Nabatid na noong Oktubre 9, 2006, naaresto si Mangulamas at mga kasamahan na sina Danny Talib at Alex Demalin dahil sa pagnanakaw rin sa mga alahas ng Lucky Dragon je­welry shop sa Baclaran LRT Mall.

Nakalaya naman ang tatlong salarin makaraang mag­latag ng piyansa sa ka­nilang kaso at hindi na du­malo sa mga pagdinig sa korte. Hinihinalang kasama rin ni Mangulamas sina Talib at Demalin sa panloloob sa Metropoint Mall.

Dahil sa naturang lead, mas magiging epektibo na umano ang paghahanap ng binuong “tracking team” ng Pasay Police. 

Nagpakalat na rin ng kop­ya ng “artist sketch” ang pulisya sa iba’t ibang bus terminal, paliparan at pier upang mapi­gilan ang pagtakas ng mga ito.

Ayon naman sa pulisya, handa naman nilang bigyan ng seguridad ang sinumang lulutang na testigo upang tuluyang madakip ang mga suspect.

vuukle comment

ALEX DEMALIN

AYON

DANNY TALIB

MANGULAMAS

MELCHOR REYES

METROPOINT MALL

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with