^

Metro

5 Taiwanese, timbog sa shabu lab

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Limang Taiwanese ang dinakip sa isa na namang shabu laboratory na nadiskubre at sinalakay ng pulisya sa isang bahay sa Parañaque City kaha­pon ng madaling-araw.

Ang mga suspect na sina Yun Pong Hsu, 56; Yu-teng Cheng, 53; Yun Chun Huang, 43; Kun Lin Yu, 51; at Horng Jen Tsai, 58, pawang mga che­mist ay nasakote ma­karaang salakayin ng mga tauhan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Pa­rañaque City Police ang two-storey apartment sa may Santisima St., San Antonio Valley sa Brgy. San Isidro, sa naturang lungsod.

Isang “kitchen-type la­boratory” ang nadiskubre ng pulisya na naglalaman ng mga “portable equipments” sa produk­s­yon ng shabu. 

Nakumpiska rin ng pulisya ang nasa 20 kilo ng hinihinalang shabu na nasa “manufacturing stage” pa at nagkakahalaga ng P150 milyon.

Ayon sa pulisya, ma­tagal nang pinapakinabangan ng sindikato ang naturang laboratoryo dahil nasa dalawang taon na umano itong inaarkila ng mga Taiwanese.

Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ang mga nadakip na da­yuhan habang inaalam ng pulisya ang pagka­kakilanlan ng may-ari ng na­turang bahay at mabatid kung may kinalaman rin ito sa naturang operas­yon.

CITY POLICE

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

HORNG JEN TSAI

KUN LIN YU

SAN ANTONIO VALLEY

SAN ISIDRO

SANTISIMA ST.

SHY

YUN CHUN HUANG

YUN PONG HSU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with