^

Metro

Opisyal ng TODA, todas sa tandem

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Tricycle Operators and Drivers­ Association (TODA) ang nasawi samantalang isa pa ang malubhang na­sugatan nang ratratin ng riding- in-tandem habang ang una ay naniningil ng butaw sa isang terminal sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Ramon Fer­nando, 55, MACATODA Board Member at residente ng Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik sa lungsod.

Nananatili naman sa East Avenue Medical Center ang kasama nitong si Joshua Suan, 15 na sugatan din sa naturang pamamaril.

Agad namang tumakas ang mga suspect matapos ang krimen.

Nangyari ang insi­dente sa may terminal ng tricycle na mata­tagpuan sa kanto ng Maligaya Park Drive at Quirino Highway Brgy. Pasong Putik sa lungsod, ganap na alas-10:30 ng gabi.

Nabatid na nango­ngolekta umano si Fer­nando ng butaw sa lugar nang biglang sumulpot ang motor­siklo ng mga suspect at pagbabarilin ang una.

Sa pamamaril ng mga suspect sa biktima ay malas namang tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso na tumagos sa ka­tawan ng biktimang si Suan.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen, habang patuloy pa rin ang isinasa­gawang imbestigasyon ukol dito. 

vuukle comment

AVENUE MEDICAL CENTER

BLANGKO

BOARD MEMBER

BRGY

JOSHUA SUAN

MALIGAYA PARK SUBDIVISION

PASONG PUTIK

QUIRINO HIGHWAY BRGY

RAMON FER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with