^

Metro

28-anyos dedo sa kaaway ng utol

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Todas sa bala ang isang 28-anyos lalaki nang ipagtanggol ang kanyang utol sa kaaway sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasa­wing biktima na si Expedito Rodas, ng J. Po­sadas St., Punta, Sta. Ana, Maynila.

Tinutugis naman ang suspect na si John Rey Francia, 28, ng nabanggit ding lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente matapos na maka­alitan ni Rene Rodas, kapatid ng nasawi ang suspect.

Umawat ang biktima na nauwi sa pakikipagtalo niya sa suspect.

Umuwi umano ng bahay ang biktima at binalikan ang kapatid upang alalayan sa pakikipag-away subalit nang maglabas ng baril ang suspect ay siya ang binaril sa ulo at tiyan.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas na ang suspect habang isinugod sa pagamutan ang una subalit hindi nag­tagal ay nalagutan na ng hininga.

vuukle comment

EXPEDITO RODAS

JOHN REY FRANCIA

MAYNILA

NAKILALA

NANG

RENE RODAS

TINUTUGIS

TODAS

UMAWAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with