Bebot kritikal sa boga ng ka-live-in

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang babae nang barilin ito ng kanyang live-in partner habang ito ay natutulog kahapon ng umaga sa Caloocan City. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Sherryl Derla, 37, ng Ignacio Compound, Santa Quiteria ng nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Jose Villano Jr., ng nabanggit ding lugar. Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-live in. Nabatid na natutulog ang biktima nang bigla na lamang barilin ng suspek. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa ospital ng kanyang mga kaanak, iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng pamamaril sa biktima.

Show comments