^

Metro

Bangkay ng kelot, nahigop

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki ang nadiskubre na kasama sa kumpol ng basura na nahigop ng pumping station sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga. Inilarawan ang bangkay sa pagitan ng 30-35 anyos, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay puting t-shirt na may tatak na “Tau Gamma Phi” at itim na pantalon.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas- 11:20 ng umaga nang madiskubre ang nakadapang katawan ng lalaki kasama nang nahigop na mga basura   sa loob ng Metro Manila Development Authority (MMDA) flood control pumping station na nasa Palanca St., Quiapo.

Ayon kay Jerry Javoli, 53, isang utility, kinoko­lekta niya ang mga basura mula sa estero gamit ang isang trash reek nang napansin nito ang katawan ng biktima na nakadapa kasama sa kumpol ng basura.  

Sa inisyal na pagsusuri ng pulisya, may dalawang sugat sa kaliwang tenga ng biktima na hinihinalang tama ng bala. Posibleng matapos barilin ay itinapon ito sa estero na nahigop lamang ng pumping station kasama ng mga basura.

vuukle comment

AYON

INILARAWAN

ISANG

JERRY JAVOLI

MAYNILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PALANCA ST.

POSIBLENG

TAU GAMMA PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with