^

Metro

Van na puno ng sardinas, hinaydyak

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Isang delivery van na puno ng sardinas ang natangay ng limang armadong lalaki, isa rito ay naka-uni­porme ng PNP Highway Patrol Group, kahapon ng ma­daling-araw sa Makati City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang harangin ang 6-wheeler delivery van (DAE-122) na minamaneho ni Christopher Morales, 46, ng isa sa mga suspect na naka-uniporme ng PNP Highway Patrol Group at lulan ng isang motorsiklo sa may Osmeña Highway sa Makati.

Unang hiningi ng nagpakilalang pulis ang lisensya ni Morales habang biglang sumulpot ang apat pang armadong lalaki na naka­sakay naman sa isang closed van. Dito tinutukan ng mga hijacker si Morales at dalawang pahinante nito na sina Franklin­ Ballierbare, 31; at Hared Gallardo, 30, saka piniringan at iginapos.

Ibinaba ng mga salarin ang tatlong biktima sa C-5 Extension sa Las Piñas City saka tinangay ang kanilang sasakyan sa hindi mabatid na direksyon. Agad namang nasaklolohan ng mga dumaraang taumbayan ang mga biktima.

Nabatid na may lamang 349 kahon ng sardinas ang ti­­na­ngay na van na idideli­ber sana ng mga biktima sa Parañaque City.

BALLIERBARE

CHRISTOPHER MORALES

DITO

HARED GALLARDO

HIGHWAY PATROL GROUP

IBINABA

ISANG

LAS PI

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with