^

Metro

Helper utas sa rider: 3 pa sugatan

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Isang bakery helper ang patay habang 3 pa ang su­gatan sa walang habas na pamamaril ng isang rider sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Jerry Escotan, 28, ng North Fairview Subdivision, Brgy. North Fairview sa lungsod.

Sugatan naman sina Jim Guansing, 24; Eleazar Mala­ras, 25, baker; at Juny Sallao­, 35, construction worker; pawang mga residente rin sa nasabing barangay.

Hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan ng suspect na tumakas makaraan ang pamamaril.

Nangyari ang insidente sa may M&N Sari Sari Store na matatagpuan sa panulukan ng Adrian at Burban St., North Fairview Subdivision ganap na alas-8:30 ng gabi.

Ayon kay Armando Pa­da­lapat, security guard ng subdivision, nagbabantay siya sa kanyang puwesto nang makarinig siya ng mga putok ng baril sa naturang tindahan.

Agad niyang tiningnan ang lugar kung saan nakita umano niya ang isang lalaki na sakay ng motorsiklo na tumakas patungo sa Astor St., habang nagtatakbuhan naman sa iba’t ibang direksyon ang mga biktimang sina Escotan, Guansing at Malaras.

Naglalakad naman papauwi ang biktima na si Sallao­ sa nasabing kalye nang barilin din siya ng tumakas na suspect.

Matapos ang pamamaril ay natagpuan na lang na duguan at walang buhay na nakahandusay ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa isinagawang krimen.

vuukle comment

ARMANDO PA

ASTOR ST.

BURBAN ST.

ELEAZAR MALA

JERRY ESCOTAN

JIM GUANSING

JUNY SALLAO

N SARI SARI STORE

NORTH FAIRVIEW

NORTH FAIRVIEW SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with