^

Metro

4 buwang buntis patay, anak sugatan sa lasing

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang na apat na buwang bun­­tis habang sugatan naman ang 4-anyos na anak nitong babae makaraang pagsasaksakin ng lasing­ na kanilang kalugar, ka­hapon ng ma­­daling-araw sa Valen­ zuela City.

Nakilala ang nasawi na si Rachelle De Guzman, 24, residente ng Candido Compound, Brgy. Ugong, ng natu­rang lungsod.  Isinugod naman sa Valenzuela General Hospital ang anak nitong si Jennylyn, na nagtamo rin ng saksak sa katawan.

Agad namang na­ aresto ng mga rumes­po­ndeng barangay ta­nod ang suspect na si Robert Cedansa, 31, residente rin ng natu­rang lugar.

Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-4 ng madaling-araw nang pasukin ni Cedansa ang mag-inang De Guzman habang wala ang mister ng biktima na si Ronnie na nagtatrabaho sa palengke bilang matadero.

Posibleng tinangkang gahasain ng suspect si Rachelle na nan­laban sanhi upang pagsasaksakin ito ng suspect. Idinamay rin nito ang paslit na anak ni Rachelle na nagising at nag-iiyak.

Narekober naman bu­hat sa suspek ang pa­talim na ginamit sa krimen at duguang bo­xer shorts nito.

Ayon kay Ronnie, ma­tagal na umanong may gusto sa kanyang misis ang suspect kaya’t lagi naman niyang pi­na­paalalahanan at pi­nag-iingat ang asawa kapag wala siya sa bahay. 

Hinihinala namang nasa impluwensya ng alak o iligal na droga ang suspect nang gawin ang krimen.

AYON

CANDIDO COMPOUND

DE GUZMAN

RACHELLE

RACHELLE DE GUZMAN

ROBERT CEDANSA

RONNIE

SHY

VALENZUELA CITY POLICE

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with