^

Metro

P5-M napinsala sa Rizal Park

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa loob ng tatlong araw, umaabot sa P5 milyon ang kabuuang halaga ng napinsala   sa Rizal Park  matapos ang paghagupit ng hanging Habagat.

Ayon kay National Parks Committee Executive Director Juliet Villegas, mula sa 52 ektaryang lupain ng Luneta  naapektuhan dito  ang may limang ektarya.

Sinabi ni Villegas na  aabutin­ ng isang buwan ang pagsasaayos ng Rizal Park bago ito maibalik sa dating kagandahan.

Dagdag  pa ni Villegas, isang linggo naman ang gugugulin nila sa paglilinis sa tambak na basura at kapal ng putik na tumambad sa Luneta.

Ani Villegas, hindi biro ang tambak ng basurang naiwan ng baha kung kaya’t kailangan ang puspusang paghakot nito.

Nabatid na kahapon lang din nagsimula  ang paglilinis sa Luneta dahil gumanda na ang panahon at humupa na ang tubig-baha dulot ng Hanging Habagat  kung saan umabot hanggang dibdib  ang pambansang pasyalan.

ANI VILLEGAS

AYON

DAGDAG

HABAGAT

HANGING HABAGAT

LUNETA

NATIONAL PARKS COMMITTEE EXECUTIVE DIRECTOR JULIET VILLEGAS

RIZAL PARK

VILLEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with