^

Metro

Foreign student tugis sa pagkamatay ng trader

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan  ng Manila Police District (MPD) ang isang dayuhang estudyante ng National University (NU) na huling nakitang kasama ng napaslang na negosyante, sa loob ng isang motel, sa Morayta, Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Virgie Francisco, 55, biyuda, residente ng #2708 Legarda, Sampaloc, Maynila na nagtamo  ng sugat sa kaliwang noo na indikasyong inuntog o pinalo ng matigas na bagay, na sanhi ng kamatayan niya.

Ayon kay SPO2 Glenzor Vallejo, ng MPD-Homicide Section, suspect ang isang nagngangalang “Frank” na hindi pa matukoy kung  Caucasian, Persian o Russian national, may taas na 5’6’’ hanggang 5’8’’, nasa edad 26-28, at regular customer umano ng   University Belt Marina Hotel and Restaurant,  na matatagpuan sa panulukan ng Morayta at CM Recto, sa Sampaloc.

Nabatid na may 30 minuto lamang naganap ang in­sidente makalipas ang  pag-check-in ng biktima bandang alas-9:57 nitong Huwebes ng gabi.

Ayon umano sa ilang personnel ng motel, madalas nilang kustomer ang suspect at siya ang huling kasama ng biktima na nag-check-in sa motel. Boyfriend  umano ng biktima ang suspect.

Nauna umanong pumasok ang biktima at nang nasa loob  na ng kuwarto ay sumunod namang dumating at pumasok sa nasabing silid ang suspect na si Frank.

Makaraan ang 30 minuto ay umalis si Frank at hindi naman umano nagduda ang hotel personnel na may kaka­ibang pangyayari.

Matapos ang tatlong oras ay kinatok ang biktima subalit hindi umano sumasagot hanggang sa pwersahang buksan ang pintuan at nakitang walang malay itong nakahandusay. Isinugod ang biktima sa UST Hospital subalit  idineklarang dead-on-arrival.

AYON

GLENZOR VALLEJO

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MORAYTA

NATIONAL UNIVERSITY

UNIVERSITY BELT MARINA HOTEL AND RESTAURANT

VIRGIE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with