^

Metro

Paghigop ng tubig-baha sa Maynila tatagal ng 3 arawa

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Posibleng tumagal pa ng tatlong araw bago tuluyang matanggal ang tubig-baha sa ilang lugar sa lungsod ng Maynila kabilang na ang Lagusnilad at Recto underpass.

Ito ang sinabi ni Manila Di­saster Risk Re­duction Council (MDRRC) executive di­rector at City Administrator Jesus Mari Marzan kaugnay ng pagsisimulang mopping operations sa mga lugar na binaha nang todo dahil sa habagat.

Dakong alas-4 ng mada­ling-araw nang simulan ang paghigop sa tubig-baha ng Bureau of Fire Protection (BFP), City Engineering Office at ang Metropo­litan Manila Development Authority(MMDA).

Kahapon ay personal ding pinangasiwaan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagtatanggal ng tubig-baha na naipon sa ilalim ng Lagusnilad at Recto underpass upang agad na madaanan ng mga motorista.

Ayon kay Lim, dahil sa maraming lugar sa lungsod ng Maynila ang binaha ay nagdeklara na rin siya ng state of calamity para mapa­yagan ang mga barangay chairman na magamit ang kanilang mga pondo para matulungan ang kanilang nasasakupan.

Inaabisuhan naman ni Marzan ang mga motorista o mga light vehicles na iwasan pansamantala ang mga bahang lugar habang hindi pa naaalis ang tubig-baha.

Samantala, tiniyak nni Marzan na tuluy-tuloy ang tulong at pagpapadala ng pagkain sa mga evacuation centers para sa mga inilikas na Manilenyo. Gayunman, sa paghupa ng tubig-baha kahapon, unti-unti na rin nagbabalikan sa kani-kanilang mga tahahan ang mga evacuees­.  

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

CITY ENGINEERING OFFICE

LAGUSNILAD

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MANILA DI

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MARZAN

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with