^

Metro

Lolo, namatay habang nire-rescue

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Namatay ang isang 70-anyos­ na Lolo habang nire-rescue sa Marikina City kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Rogelio Elezar, residente ng Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Sinabi ni Marikina Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, ganap na alas-7:30 ng umaga­   nang makatanggap ng tawag ang command post ng Rescue­ 161 mula sa Brgy. Sto. Niño na agad namang nires­pondehan ng mga rescuer.

Ayon sa report, kasalukuyang nire-rescue sa mataas na tubig-baha ang matanda nang bigla siyang mangisay at bumula ang bibig hanggang sa unti-unting mala­gutan ng hininga.

Tinangka pang isugod sa Amang Rodriguez Hospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay.

Posible umanong naka­ramdam ng matinding takot at nerbiyos ang matanda makaraang biglang tumaas ang baha sa kanilang barangay.

Sinabi pa ng Bise Al­kalde, mas matindi ang de­lubyong inabot nila sa ngayon kumpara sa dinanas nila noong bagyong Ondoy.

“Dati-rati, kapag bumabaha sa amin dahil sa bagyo, isang araw lang ay wala na yung baha. Eh ngayon, apat na araw na. Iyan po ang hindi maintindihan ng ating mga kababayan. Ang akala nila, pagkahumupa na eh for good na yan,” ani Cadiz.

Sa ngayon ay may 6,774 na pamilya na may kabuuang 40,929 na katao ang kinakalinga ngayon sa iba’t ibang evacuation center sa Marikina City.  

AMANG RODRIGUEZ HOSPITAL

AYON

BISE AL

BRGY

MARIKINA CITY

MARIKINA VICE MAYOR JOSE FABIAN CADIZ

ROGELIO ELEZAR

SHY

SINABI

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with