^

Metro

Landslide sa Marikina, 5 bahay muntik nang matabunan

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Muntik nang matabunan ng gumuhong lupa ang may limang tahanan sa Brgy. Fortune sa Marikina City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Christian Cruz, Public Information Office (PIO) ng Marikina City, natanggap nila ang ulat na may gumuhong lupa sa bulubunduking lugar ng Brgy. Fortune ganap na alas-4:00 ng madaling-araw.

Sinabi ni Cruz na hindi umano umabot sa mga kabahayan ang gumuhong lupa, sa halip ay sa kalsada lamang tumabon at wala namang naiulat na nasawi o kaya’y nasaktan sa naganap na landslide.

Ani Cruz, mahirap pang marating ng mga rescuer ang Brgy. Fortune dahil sira ang kalsada patungo sa lugar, bukod pa ang malakas na current ng tubig sa Marikina river.

Gayunman, sa oras na magtuluy-tuloy ang pagbuti ng panahon ay tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Marikina na tutulungan nila at magsasagawa ng relief operation sa nasabing barangay.  

vuukle comment

ANI CRUZ

AYON

BRGY

CHRISTIAN CRUZ

CRUZ

GAYUNMAN

MARIKINA CITY

MUNTIK

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with