^

Metro

168 paaralan, ginagamit na evacuation centers

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May 168 paaralan ang ginagamit ngayon bilang eva­cuation center ng mahigit 14,000 pamilya na naapektuhan ng mga pagbaha sa Luzon dulot ng habagat.

Nabatid na ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng mga evacuees na umabot sa 9,741 pamilya at kasalukuyang nanunuluyan sa may 115 paaralan.

Sa Region 3 naman ay mayroong 2,568 pamilya na tumitigil pansamantala sa may 36 paaralan habang sa Region 4A ay mayroong 2,180 pamilya na tumutuloy sa may 17 paaralan.

Kaugnay nito, sa isang emergency meeting na ipinatawag ni Education Secretary Armin Luistro kahapon ng uma­ga­, inatasan nito ang mga Schools Division Superintendents ng DepEd–National Capital Region (DepEd-NCR) na masu­sing makipagtulungan at makipag-ugnayan sa mga Local Go­vernment Units (LGUs), gayundin sa mga City Social Welfare at Development Offices sa kani-kanilang lugar.

Anang kalihim, nais nilang matiyak na mayroon silang sapat na suplay para masuportahan ang pangangailangan ng mga evacuees na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.

Sinabi naman ni Luistro na bukod sa pagtiyak na magi­ging maayos ang operasyon ng mga paaralan na ginagamit na evacuation center, isinasapinal na rin umano ngayon ng mga lokal na opisyal ng DepEd NCR ang plano para sa pagbabalik sa klase ng mga estudyante kabilang na ang probisyon para sa make-up classes. Ang mga detalye ng naturang plano ay inaa­sahang ilalabas ng DepEd ngayong araw, Agosto 9.

AGOSTO

CITY SOCIAL WELFARE

DEVELOPMENT OFFICES

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

LOCAL GO

NATIONAL CAPITAL REGION

SA REGION

SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with