^

Metro

Driver nadaganan ng isinasalbang jeep sa baha, patay

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 45-anyos na driver nang maipit sa pagkakadagan ng isinasalbang dyip mula sa baha sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nabatid sa ulat ni PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District-Homicide Section, na dahil sa umano’y pagtatangka ng biktimang si Hannibal Faitec, residente ng Legarda St., Sampaloc, Maynila na malagyan ng jack ang kaniyang pampa­saherong dyip upang hindi malublob nang husto sa baha at hindi anurin ng tubig, nadaganan siya at naipit nito nang kumalas umano ang jack.

Posibleng dahil din sa bigat ng dyip ay hindi na nakatayo ang biktima at wa­­lang nakakita upang su­maklolo hanggang sa malunod nang tuluyan sa baha.

Huli na nang mapansin umano ng kanyang kaanak ang insidente at saka lamang ito isinugod sa De Ocampo Medical Center ngu­nit dead-on-arrival na ito.

vuukle comment

DE OCAMPO MEDICAL CENTER

HANNIBAL FAITEC

HULI

LEGARDA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABATID

PATAY

POSIBLENG

RODEL BENITEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with