^

Metro

Inuman nauwi sa saksakan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Dahil sa pag-iinuman na naman sa kalsada, sumiklab ang away sa pagitan ng dalawang lalaki nang kapwa mala­sing sanhi upang masaksak ang isa, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nasa kritikal pang kon­disyon sa Taguig-Pateros Dis­ trict Hospital ang biktimang si Miguel Basagan, 44, ng Central Signal ng nabanggit na lungsod sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman kaagad ang suspect na si Rolly Ezchin, alyas “Redford”, re­sidente rin ng Mindanao St., makaraan ang pananaksak, dala ang ginamit na patalim.

Lumabas sa imbestigas­yon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na kabilang sa grupo ng mga lalaki na nag-iinuman sa gilid ng kalsada sa Col Bravo St., Brgy. Central Signal 1 dakong alas-11:45 ng gabi.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, umalis umano ang suspek at nang bumalik ay armado na ng patalim at patraydor na pinagsasaksak ang biktima bago mabilis na tumakas.

Sinampahan na ngayon ng pulisya ang suspek ng kasong frustrated murder ma­karaang masuwerteng ma­kaligtas sa ka­matayan si Basagan.

vuukle comment

BASAGAN

BRGY

CENTRAL SIGNAL

COL BRAVO ST.

MIGUEL BASAGAN

MINDANAO ST.

ROLLY EZCHIN

SHY

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS DIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with