^

Metro

Manhunt ng PNP vs pangunahing suspect sa hazing, inilunsad

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Naglunsad na kahapon ang PNP ng nationwide man­hunt laban sa pangunahing suspek sa hazing na ikinamatay ni San Beda 1st year law student Marc Andrei Marcos noong nakalipas na linggo.

Ito’y matapos na mabigong lumantad ang pangunahing suspek na si Gian Angelo Veluz sa ibinigay na ultimatum ng PNP hanggang Agosto 3 para sumuko.

Si Veluz ay ikinanta ng da­lawang lumantad na hazing victim na siya umanong handler sa isinagawang hazing sa siyam na neophyte recruits ng fraternity nito sa kanilang farm sa Dasmariñas City, Cavite kung saan nasawi ang 20-anyos na si Marcos.

Kasabay nito, sinabi naman ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na umaasa ang pulisya na marami pang testigong lulutang upang tumulong sa imbestigasyon sa pagkasawi ng San Beda law student dahilan sa hazing.

Sa kasalukuyan, ayon kay Bartolome, hindi pa ikino­kon­sidera ng PNP ang paglala­tag ng reward laban sa mga suspek dahilan sa marami naman ang nais makipagkoope­rasyon sa isinasagawang pag­­si­­siyasat ng PNP upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Marcos.

Samantalang nasampahan na rin ng kasong kriminal ang mga inaakusahan sa krimen pero nilinaw ni Bartolome na nais nilang mapatibay pa ang kaso sa paglutang ng ka­ragdagang mga testigo na hinikayat nitong magsilantad upang mabigyang linaw ang insidente.

AGOSTO

BARTOLOME

CAVITE

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

DASMARI

GIAN ANGELO VELUZ

MARC ANDREI MARCOS

SAN BEDA

SHY

SI VELUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with