^

Metro

2 kilo ng marijuana nasamsam

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Tinatayang aabot sa 2 kilo ng marijuana ang nakuha ng mga barangay tanod matapos sitahin at mabitawan ng nagtatakbong batang lalaki ang bitbit na mga plastic bag sa Caloocan City kahapon.

Base sa inisyal na report ng Caloocan City Police, da­kong alas-2:00 ng umaga, nagpapatrulya ang mga ta­nod na sina Ely Balano at Tony Salazar sa Torcillo St., sa Brgy. 28 nang mapansin ang batang lalaki, na tinatayang nasa siyam na taong gulang na may bitbit na malalaking plastic bag.

Dahil sa pinatutupad na curfew ay kanilang sinita ang paslit. Sa takot nito ay nagtatakbong palayo at nabitawan ang mga bitbit. Nang lapitan ay nakita ang kilo-kilong pinatuyong mga dahon ng marijuana.

Dinala ng Kapitan na si Egay Galgana ang mga ma­ri­juana kay Senior Supt. Prudencio Tom Bañaz ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force.

Patuloy na iniimbestiga­han ang nasabing insidente ng mga pulis kung saan ma­laki ang paniwala ng pulisya na ginagamit na courier ng sindikato ang mga paslit sa kanilang operasyon.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

EGAY GALGANA

ELY BALANO

PRUDENCIO TOM BA

SENIOR SUPT

TONY SALAZAR

TORCILLO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with