^

Metro

Rider patay sa killer bus

- Danilo Garcia - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Muli na namang napatuna­yan ang pagiging walang disiplina ng isang bus driver ma­ka­raang mabangga ang isang motorsiklo kung saan agad na nasawi ang lalaking nagmamaneho nito habang sugatan naman ang angkas na misis kahapon ng umaga sa Magallanes Interchange, Makati City.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marvin Apura, 27, habang sugatan ang misis nitong si Myrna.

Nabatid sa ulat na naganap ang insidente pasado alas-7 ng umaga sa Magallanes Interchange kung saan paakyat sana ng Magallanes flyover ang mag-asawang Apura lulan ng motorsiklo upang ihatid ang babae sa opisina.

Malapit na umano sila sa bukana ng flyover nang biglang salpukin ng isang Don Mariano Bus (TVX-545) sanhi upang pumailalim sa bus ang motorsiklo at ang mga sakay nito.

 Agad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang driver ng naturang bus na may biyaheng Novaliches-Alabang. 

Nabatid na kilala ang Don Mariano Bus Transit sa dami ng aksidenteng kinasasangkutan dahil sa pagiging likas na kaskasero ng mga driver nito.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang pulisya sa pamunuan ng naturang bus company upang mabatid ang pagkakakilanlan ng kanilang tumakas na driver at makatulong sa pagpapasuko dito.  

vuukle comment

APURA

BUS

DON MARIANO BUS

DON MARIANO BUS TRANSIT

MAGALLANES

MAGALLANES INTERCHANGE

MAKATI CITY

MALAPIT

MARVIN APURA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with