^

Metro

Estudyante hinoldap, pinatay

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 23- anyos na estudyante na hinihinalang hinoldap muna bago pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Novaliches, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Ins­pector Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit ang biktimang si Jay Jalil Ibarra, residente ng   Ramirez St., Brgy. Nova Proper, Novaliches, QC.

Ayon sa report na­tagpuan ang bangkay ng biktima sa Block 14, Lot 4, Pedro St., T.S. Cruz Subd., Novaliches dakong alas- 6:00 ng umaga kahapon.

Sinabi sa ulat na wala na ang mga gamit ng biktima nang matagpuan ang bangkay nito na nakahandusay sa isang madamong bahagi ng isang bakanteng lote sa lugar.

Ayon sa ulat, nagtamo ng 39 na tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima matapos matagpuan ng isang Freddie Pamitan caretaker sa bakanteng lote.

Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng nanlaban sa holdap ang biktima kaya ito pinagsasaksak at napatay.  

vuukle comment

AYON

CHIEF INS

CRUZ SUBD

JAY JALIL IBARRA

NOVA PROPER

NOVALICHES

PEDRO ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with