^

Metro

Kelot niratrat, todas

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bala ng baril ang ginawang pansahog sa lugaw na kinakain ng isang hindi nakikilalang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng isang gunman habang kumakain sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Ang biktima na walang pagkakakilanlan ay kinilala lamang sa alyas na “Nanie” nasa pagitan ng edad 50-55, at may mga tatto na “Spiderman” sa kaliwang tuhod, “Thy mission will come to an end” sa kanang braso at “Joker” sa kaliwang braso.

Nangyari ang insidente sa harapan ng Julius Lugawan na matatagpuan sa Litex Road, Brgy. Commonwealth sa lungsod, ganap na alas-4:25 ng hapon.

Sinabi ni Julius Benito, may-ari ng lugawan, kumakain umano ang biktima ng lugaw nang bigla umanong sumulpot ang isang lalaki na may baril at inupakan ng dalawang putok ang una. Dahil dito, mabilis na nagtakbuhan ang ilang kustomer sa lugawan kung saan du­guang sumubsob naman ang biktima sa kinakain nitong lugaw at malagutan ng hininga.

Matapos ng pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect patungo sa hindi pa mabatid na direksyon. Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng kalibre 45 baril sa dibdib ang biktima. Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa insidente.  

BALA

BRGY

DAHIL

JULIUS BENITO

JULIUS LUGAWAN

LITEX ROAD

MATAPOS

NAGTAMO

NANGYARI

NANIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with