^

Metro

Carjackers umatake sa QC, AUV ng BIR employee, natangay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Muling sumalakay ang grupo ng carjacker sa lungsod Quezon, makaraang isang Asian Utility Vehicle (AUV) na pag-aari umano ng isang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tinangay, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Station 10, ang kinarjak na sasakyan ay ang kulay pulang Mitsubishi Adventure (TKQ-376) na pag-aari ni Jessie Narvaez, 43, BIR employee.

Nangyari ang insidente sa harapan ng Alliance Church katabi ng tanggapan ng BIR na matatagpuan sa kanto ng Quezon Avenue at Scout Santiago St. sa lungsod, ganap na alas-9 ng umaga.

Sinasabing habang naka­parada ang sasakyan ay nasa loob ang driver ni Narvaez na si Nestor Alcantara at nagpapahinga.

Ilang sandali, bigla uma­nong dumating ang apat na lalaki na pawang armado ng kalibre 45 na baril saka kinatok si Alcantara.

Nang buksan umano ni Alcantara ang bintana ng sa­sakyan ay bigla siyang tinutukan ng baril ng isa sa mga suspect saka inutusang umupo sa passenger seat bago tina­ngay papalayo ng mga huli.

Pagsapit umano sa North Luzon Expressway (NLEX) at papalabas ng Ma­rilao Exit sa Bulacan ay biglang itinulak ng mga suspect palabas ng sa­sakyan ang bik­tima saka iniwan sa lugar.

Inilagay na sa alarma ng QCPD ang nasabing sa­sakyan sa buong kapulisan para sa posibleng pagrekober dito.  

ALLIANCE CHURCH

ASIAN UTILITY VEHICLE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

JESSIE NARVAEZ

MITSUBISHI ADVENTURE

NESTOR ALCANTARA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with