^

Metro

8 Koreano tiklo sa ilegal na on line gaming

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walong Korean national ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) nang maaktuhan sa iligal na on-line gaming sa isang condominium sa Pasay City.

Kinilala ni NBI Director Nonnatus Caesar Rojas ang mga suspect na sina Mounghoon Park, Cha Se Woong, Kwon Jang Hyuk, Jeong Man Seon, Lee Kyoung Mo, Jo Young Ho, Lee Chang Bum, at Moon Jung Whan.

Nabatid na bigo ang NBI na maaresto ang pangunahing pakay na si Sung Lee, isang Korean national na isinuplong ng isang alyas “Jerome” sa NBI nitong nakalipas na Hulyo 20.

Laman ng reklamo ang iligal na sugal na kinabibilangan ng mga Koreans, ilang Pinoy na nanunuluyan sa condominium sa Roxas Blvd., Pasay City.

Sa pamamagitan ng search warrants na inisyu ng   Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 22 laban kay Sung Lee at may-ari at nanunuluyan sa ilang units sa Towers A, B at C ng nasabing condominium, sinalakay ito kamakalawa kung saan naaktuhan nga ang ope­rasyon ng online casino ng mga suspect

Kinumpiska ng NBI sa condominium ang mga computer units, monitors, CPU’s, modems, keyboard, laptop, hard disks, IPADs, routers, WIFI, landline telepono, mouse, cables, LAN cards, iba-ibang dokumento, gaming­ cards at iba pang mga ka­gamitan na ginagamit sa illegal na operasyon ng sugal.

Nakadetine na sa NBI detention cell ang mga suspect na nahaharap sa kaukulang kaso.  

CHA SE WOONG

DIRECTOR NONNATUS CAESAR ROJAS

JANG HYUK

JEONG MAN SEON

JO YOUNG HO

LEE CHANG BUM

LEE KYOUNG MO

PASAY CITY

SUNG LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with